-- Advertisements --
Pinirmahan ni US President Donald Trump ang memorandum na nag-aatas sa lahat ng empleyado ng Department of Homeland Security na mabayaran kahit na mayroong partial na government shutdown.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng naunang direktiba ni Trump para sa DHS na bayaran lahat ng mga Transportation Security Administration para mapunan ang mga kulang na tao sa mga paliparan.
Nakasaad din sa kautusan ni Trump sa DHS na dapat ay magkaroon ng koordinasyon sa Office of Management and Budget para gamitin ang pondo.
Magugunitang noong Huwebes ay inaprubahan ng Senado ang panukalang batas na bahagyang pagbubukas ng department na isang hakbang para matapos na ang government shutdown.
















