Ipinagmalaki ni U.S. President Donald Trump sa isang press conference sa NATO summit sa Brussels ang isinagawang airstrikes ng Amerika sa tatlong nuclear facilities ng Iran kung saan inihambing pa ito sa epekto ng pambomba sa Hiroshima at Nagasaki, Japan noong World War II na nagsanhi ng pagtatapos ng digmaan.
Ayon kay Trump, bagamat ang mga ulat mula sa U.S. Defense Intelligence Agency (DIA) na hindi umano napinsala ang mga underground nuclear facilities ng Iran at ilang buwan lamang maaantala ang nuclear program nito at ipinahayag na ang strikes ay may matinding epekto—”obliteration” ang naging epekto sa Iran.
‘The intelligence says, ‘We don’t know, it could have been very severe.’ That’s what the intelligence says. So I guess that’s correct, but I think we can take the ‘we don’t know.’ It was very severe. It was obliteration,’ ani Trump.
Iginiit din niya na ang intelligence na ipinasa sa publiko ay hindi kumpleto at ang mga ginawang pag-uulat ng media ay nagdudulot lamang aniya ng maling pag-intindi sa operasyon.
Sa kabila ng kontrobersya, itinaguyod pa rin ni Trump ang kahalagahan ng pagpigil sa Iran mula sa pagkakaroon ng mga nuclear weapon at binigyang-diin na magpapatuloy ang mga negosasyon upang matiyak ang kahandaaan sa nuclear program ng Iran.
Samantala pinuri rin ni Trump ang bagong kasunduan sa NATO, kung saan nagbigay ang mga miyembro ng pangako na itaas ang kanilang budget sa defense na hanggang 5%.