-- Advertisements --
TRump ASEAN summit
US President Donald Trump

Hinihiling ngayon ni US President Donald Trump na magsagawa nang agarang impeachment trial sa U.S. Senate sa kabila nang gusot sa pagitan ng Republicans at Democrats kung kailan ito dapat simulan.

Kahapon nang tuluyan nang ma-impeach sa pagkapangulo ng Amerika si Trump matapos maipasa sa U.S. Congress ang dalawang articles of impeachment.

Ngunit hindi pumayag ang kampo ng Democrats na kaagad simulan ang proseso dahil kontrolado umano ng Republicans ang Senado na mauuwi lamang sa hindi patas na paglilitis.

Ayon kay Trump, hindi raw siya binigyan ng Democrats nang due process sa Kongreso, abogado o kahit witness na magpapatunay umano ng siya ay inosente sa lahat ng alegasyon laban sa kaniya.

Inamin naman ni Senate Majority Leader Mitch McConnell na kasalukuyang nasa deadlock ang naturang trial dahil hindi pa raw sigurado kung ibibigay ng Kongreso ang kanilang articles of impeachment sa GOP-controlled Senate.

Mayroong 53 Republicans sa 100-seat Senate at kakailanganing makakuha ng two-thirds ng boto upang tuluyang matanggal sa pwesto si Trump.