Gaya ng inasahan hindi naiwasan ni dating US President Donald Trump na banatan si President Joe Biden.

Sa kaniyang talumpati sa the Conservative Political Action Conference, na iginiit nito na siya pa rin ang nagwagi noong November US elections.

Bukod kay Biden ay binatikos din ng dating pangulo ang mga kaalyado nitong nasa Republican party na kumontra sa kaniyang mga programa.

Itinanggi rin ni Trump na hinahati niya ang kaniyang partido.

Hindi naman ito direktang nagpahayag na tatakbo sa 2024 election subalit nagpahiwatig ito na maaari niyang talunin ang Democrats sa pangatlong pagkakataon.

-- Advertisement --