-- Advertisements --

Nagkausap na sa telepono si US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Ayon sa White House na nagkaroon ng magandang pag-uusap ang dalawa.

Inimbitahan umano ni Xi si Trump na bumisita sa China subalit wala pang kumpirmasyon kung kailan ito gaganapin.

Ito ang unang pagkakataon na nagkausap ang dalawang lider mula ng ilunsad ni Trump ang trade war sa China.

Ang tawag ay base na rin sa hiling ng White House ay tumagal ng halos dalawang oras.

Sinabi naman ni Trump na kaniyang inimbitahan din si Xi na bumisita sa US.

Tiniyak din ng China na tatalima sila sa naging pangako nito na kanilang babawasan ang taripang ipinapataw sa mga produkto ng US.

Magugunitang itinaas ni Trump sa 125 percent ang taripa sa mga produkto ng China na ibinebenta sa US .

Gumanti rin ang China at pinatawan ng mahigit 145 percent na taripa sa mga produkto ng US na ibinebenta sa kanilang bansa.