ILOILO CITY – Sugatan ang isang driver at pahinante nito matapos nahulog ang minamanehong 6-wheeler truck sa Barangay Tugaslon, Alimodian, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Patrolman Angelo Amuyan, imbestigador ng Alimodian Municipal Police Station, sinabi nito na ang nasabing truck ay pagmamay-ari ng nagngangalang Daryl Superioridad.

Tumangi naman ang may-ari ng sasakyan na pangalanan ang mga biktima upang hindi madulot ng pangamba sa kanilang pamilya.

Ayon kay Amuyan, karga ng truck ang mahigit sa 400 na kawayan.

Pagdating sa bulubundiking bahagi ng bayan ng Alimodian, nawalan ng kontrol sa manebela ang driver.

Dito na nahulog ang truck sa bangin na nagresulta sa pagkasugat ng mga biktima.

Himala naman na hindi napuruhan ang mga biktima at wala ni isa sa kanila ang natusok ng matutulis na kawayan.