Reading Time: 1 minute
humberto

Hindi pa man nakakabangon mula sa pagtama ng bagyong Dorian ay mukhang haharap na naman ang lungsod ng Bahamas mula sa isa na namang bagyo.

Nagbabala ang National Hurricane Centre (NHC) sa posibilidad umano ng pagtama ng Tropical Storm Humberto sa isla ng Bahamas.

Inaasahan na lalakas pa ito habang papalapit sa Hilagang-Kanluran ng rehiyon bago ito magtungo sa karagatan ng Florida.

Ang Grand Bahama at Abaco island ang pinaka-malalang tinamaan sa pagdaan ng Bagyong Dorian noong nakaraang linggo kung saan binawi nito ang buhay ng halos 30 katao at sinira ang halos 3,000 kabahayan.