-- Advertisements --

NAGA CITY- Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng bawat lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Camarines Sur kaugnay ng banta na dala ni bagyong Rolly.

Ito ay matapos na itaas sa Tropical Cyclone Wind Signal #3 ang nasabing lalawigan.

Napag-alaman din na nasa signal #3 na ang mga lalawigan ng Catanduanes at Albay.

Una rito, maaalalang nagpatupad na ng Forced Evacuation sa probinsiya ng Camarines Sur batay sa ibinabang memorandum ni Gov. Migz Villafuerte lalo na sa mga high risk areas gayundin sa mga residenteng nakatira sa mga light materials na bahay.

Kaugnay nito, nagbigay na rin ng direktiba si Naga City Mayor Nelson Legacion sa naturang lungsod hinggil sa banta ni bagyong Rolly.

Sa ngayon, inaasahan na makakaranas na ngayong gabi ng pag-uulan sa Bicol Region dahil sa naturang bagyo.