-- Advertisements --

Pinagpaplanuhan na umano ng administrasyon in US President Donald Trump ang posibleng pagbabawas ng tropa-militar ng Estados Unidos na nasa South Korea.

Simula noong Setyembre ay nag-uusap na ang dalawang bansa na paghatian ang gastos ng US forces sa South.

Ayon sa isang opisyal mula US, hanggang ngayon aty pinag-iisipan pa umano ng nasabing bansa ang naturang kasunduan.

Una rito ay inilatag ng Pentahon sa White House ang mga posible nitong pagpilian sa pagbabawa sa US military presence sa South Korea, sa ngayon kasi ay nasa 28,500 ang myembro ng US military na naka base sa nasabing bansa.

Ang hakbang na ito ay parte umano ng mas pinalawak na re-examination hinggil sa kung paano ililipat o babawasan ang military deployements ng Amerika sa buong mundo.

Noong nakaraang buwan nang ianunsyo ng Republican president ang binabalak ng kaniyang gobyerno na bawasan ang US troops sa Germany mula 34,500 ay gagawin itong 25,000.

Ito ay dahil na rin daw sa pagpapabaya ng Berlin na bayaran ang kanilang kontribusyon sa gastos ng US defense.

Samantala, nakatakda namang muling mag-usap ang Trump administration at Tokyo ngayong taon upang talakayin ang halaga ng US militarry installations sa Japan.