-- Advertisements --

Inanunsiyo ni wrestling legend Triple H na ito ay magreretiro na.

Sinabi ng kilalang wrestler o Paul Levesque sa tunay na buhay na nagkaroon ito ng sakit sa puso.

Natuklasan lamang nito ang sakit sa puso noong sumailalim sa check up.

Dinapuan din aniya ito ng viral pneumonia kung saan naging apektado ang kaniyang baga.

Si Triple H ay 14-time world champion at noong 2019 ay kabilang itong hinirang bilang WWE Hall of Fame.