-- Advertisements --

Patuloy ang pagbibigay pugay at tribute ng maraming mga fans para sa dating world No. 1 tennis player na si Roger Federer matapos na pomal nang ianunsiyo ang pagtatapos ng kanyang karera kasunod ng pagkatalo sa Laver Cup 2022 sa London O2 Arena.

Sa huling match ni Federer at ang kakampi nitong si world #3 spanish tennis player na si Rafael Nadal, bagaman talo sa huling game, kontra kay Jack Sock at Frances Tiafoe, naging makasaysayan ito.

Higit sa lahat ay masaya raw ang dalawang manlalaro dahil nagsilbi silang inspirasyon sa kanilang mga fans.

Gayundin bumuhos naman ang hiyawan at palakpakan mula sa mga fans ni Federer matapos itong magbigay ng makabagbag-damdamin na mensahe sa lahat ng kanyang supporters at pamilya sa loob ng arena.

Maging ang mga tennis legends na sina Andy Murray, Novak Djokovic, at iba pa ay hindi rin napigilang maiyak sa emosyunal na tanawin

“It feels like a celebration to me… “It’s exactly what I hoped for,” pahayag ni Federer na hindi napigilan ang emosyon. “It’s been a perfect journey I would do it all over again.:

Nasa okasyon din naman ang iba pang legends na sina Rod Laver, John McEnroe, at Stefan Edberg.

Sa arena kung saan puno ng mga tagahanga ay hinarana ang magreretirong si Federer ng pop singer na si Ellie Goulding tulad ng mga awiting “Still falling for you” at “Fire and ice.”

Ang 41- anyos na si Federer, na may 20 Grand Slam singles titles, eight men’s singles Wimbledon titles, ay dating tinaguriang No. 1 world’s tennis player na gumuhit ng kasaysayan sa sports.