-- Advertisements --

Kinumpirma ng tagapagsalita ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Reynold Munsayac na ang magiging SONA attire ng pangalawang pangulo ay hindi traditional Filipiniana.

Pinili ni Vice President Duterte ang tribal traditional dress ng Bagobo Tagabawa sa Davao City.

” Vice President Sara Duterte will depart from the traditional Filipiñana and honor her kababayans from the Bagobo Tagabawa tribe of davao City,” mensahe ni Atty. Munsayac.

Ayon kay Atty. Munsayac, nais ng pangalawang pangulo na i-honor ang kaniyang mga kababayan mula sa Bagobo Tagabawa tribe.

Paliwanag ni Munsayac na dahil sa kakulangan ng panahon dahil mahigit isang buwan ang gugugulin para mabuo ang nasabing tribal attire, napagdesisyunan ni VP Sara na hiramin niya ang Bagobo Tagabawa traditional dress mula kay Bae Sheirelle Anino, ang deputy mayor ng Tagabawa tribe ng Davao City.

“VP Sara Duterte will instead borrow a Bagobo Tagabawa traditional dress from Bae Sheirelle Anino, the Deputy Mayor of the Tagabawa tribe,” dagdag pa ni Munsayac.

Ang Bagobo-Tagabawa tribe ay isa lang sa 11 major tribes sa Davao City.

Batay sa ulat, ang nasabing tribu ay kilala sa kanilang “unique clothing and palatable delicacies.”

Ang pangalan ng tribu ay nakuha sa salitang “Obo” at “Tagabawa” ang ibig sabihin “Living below Apo Sandawa,” na siyang traditional name ng Mount Apo.