-- Advertisements --

Napagdesisyunan ni US President-elect Joe Biden na pananatilihin nito ang umiiral na travel ban sa Estados Unidos para sa United Kingdom, European Union at Brazil.

Ito ay sa kabila ng kautusan mula kay outgoing President Donald Trump na tanggalin ang naturang travel ban na nakatakdang matapos sa Enero 6.

Subalit ayon daw kay Biden, hindi ito ang tamang panahon para luwagan ang travel measures dahil nagpapatuloy pa rin ang banta ng coronavirus disease.

Ipinatupad ng Amerika ang restrictions na ito sa Europe noong Marso habang noong buwan naman ng Mayo umiral ang pagharang sa mga Brazilian na pumasok sa US.

Pinaplano na ngayon ng kamo ni Biden na higputan pa ang public health measures sa internatiuonal travel upang nang sa gayon ay tuluyang makontrol ang pagkalat ng deadly virus.