-- Advertisements --
Maglalabas na ng desisyon ang inter-agency task force on coronavirus disease (COVID-19) para sa posibleng travel ban sa South Korea, makaraang lumobo ang bilang ng mga tinamaan ng virus doon.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, maaaring ito na ang peak sa naturang bansa, habang pababa naman sa ilang bahagi ng China.
Aminado ang kalihim na maraming konsiderasyon sa pagdedeklara ng travel advisory kaya hindi maaaring magpadalos-dalos.
Sa kasalukuyan, may 977 nang nagpositibo sa COVID-19 sa South Korea, habang 144 naman ang naitalang nasawi dahil sa naturang sakit.