-- Advertisements --

Itinuturing na ang Traslacion ngayong taon ang siyang pinakamabilis sa buong kasaysayan ng Piyesta ng Itim na Nazareno.

Ayon sa communications office ng Quiapo Church na umabot lamang sa 14 hours, 59 minutes at 10 seconds ang nasabing prosesyon.

Umalis ang mahigit 400-taon na imahe ng Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand ng 4:45 ng umaga at nakapasok ito ng Simbahan ng Quiapo ng 7:44 ng gabi.

Sa pagtaya din nila ng mayroong mahgiit 6.5 milyon katao ang naitala mula sa prosesyon ng ala-5 a.m hanggang ala-6 ng gabi.

Naging mabilis ang prosesyon ngayong taon dahil sa binagong sistema ng prosesyon isa na rito ay ang paglalagay sa salamin na lagayan ang imahe.

Matapos na maipasok ang imahe ng Itim na Nazareno sa Simbahan ng Quiapo ay isinagawa ang misa.