Iginiit ng DOTr na ang mga big-ticket na proyekto ay hindi lamang nagdudulot ng socio-economic benefits sa mga Pilipino kundi nagpapanumbalik at nagpapanatili sa industriya ng transportasyon sa bansa.
Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang mga flagship transport infrastructure, tulad ng railway systems, ay naglalayong bigyan ang publiko ng pinabuting mobility at connectivity sa buong bansa.
Aniya, pinabibilis ng gobyerno ang pagkumpleto ng iba pang mga proyekto sa sektor ng kalsada, aviation, at maritime dahil ang maginhawa at mahusay na pag-access sa mga paliparan at daungan ay nagtataguyod ng negosyo at turismo sa mga rehiyon.
Idinagdag ni Bautista na ang departamento ng transportasyon ay itinutulak ang multi-sectoral technique sa pag-unlad ng transpotation sector.
Idinagdag niya na ang Active Transport Program, Automated Fare Collection System, at Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), kasama ang iba pang land and road-based na initiatives, ay bahagi rin ng maraming proyekto na sumusunod sa mga prinsipyo ng transit-oriented development (TOD).
Ayon kay Sec. Bautista, sa 197 infrastructure flagship projects (IFPs) na inaprubahan ng National Economic Development (NEDA), 73 ang ginagawa ng DOTr na may kabuuang halaga na P4.775 trilyon.