-- Advertisements --

Hinikayat ng transport advocacy group ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na kung maari ay dagdagan ang bilang ng mga papayagang bumiyahe na Transport Network Vehicle Service (TNVS) para magkaroon ng improvement ang public transportation sa bansa.

Ayon kay Passenger Forum convener Primo Morillo na ang pagdagdag ng mga TNVS units ay magkakaroon din ng epekto sa mga mananakay.

Maiiwasan din ng mga TNVS na magtaas ng kanilang singil dahil sa taas ang demand sa kanila.

Sa paraan ng pagkakaroon ng price surges at mababang presyo ay mahihikayat pa lalo nila ang mga may-ari ng sasakyan na sumakay na lamang sa TNVS at imbes na gumamit ng kailang sasakyan na siyang dahilan ng trapiko.

Magugunitang mayroong hanggang 65,000 units para sa TNVS ang pinayagan ng LTFRB.