-- Advertisements --
image 553

Nananatili pa rin sa normal ang operasyon ng mga transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines.

Ito ay sa likod ng nagpapatuloy na pananalasa ng Bagyong Goring sa Northern Luzon, kung saan ilang mga lugar na ang nakapag-ulat ng mga malakawang pagbaha at pagguho ng lupa.

Batay sa abiso ng NGCP, nanantiling nasa maayos na kalagayan ang mga linya nito, batay na rin sa monitoring ng mga linemen at mga filed officers nito.

Maalalang maraming transmission lines ng NGCP ang nasira sa kasagsagan sa pananalasa ng naturang opisina sa nakalipas na Supertyphoon Egay at inabot ng ilang araw bago naibalik ang normal na operasyon ng mga nasabing linya.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin umano ang monitoring nito sa mga lugar na apektado ng Bagyong Goring.