Nagpasya ang International Swimming Federation (FINA, Fédération Internationale de Natation) na hindi na nila papayagan lumahok sa anumang swimming competitions ang mga trangender athletes.
Ang nasabing polisiya ay nakakuha ng 71% na boto mula sa 152 miyembro ng FINA members.
Dahil dito ay magkakaroon na sila ng “open category” para sa mga swimmers para sa mga swimmers na mayroong ibang kasarian kumpara sa kanilang kasarian noong sila ay isinilang.
Isinagawa ang desisyon sa kakaibang general congress sa nagaganap na World Championships sa Budapest.
Nakasaad din sa 34-pahina na polisiya na ang mga male-to-female transgender athletes ay papayagan makasali sa women’s category basta hindi sila nakaranas ng anumang bahagi ng male puberty lagpas ng Tanner Stage 2 ang senyales na pagbabago sa pisikal na kaanyuhan bago mag-edad 12.










