-- Advertisements --

May mga malaking tulong sa turismo sa bansa ang mga transportation project ng gobyerno.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, na kapag natapos na ang mga malalaking mass tranport project ay makikinabang din dito ang sektor ng turismo.

Isang inihalimbawa nito ay dadayuhin lamang ng mga turista ng isang lugar kapag madali ang tranportasyon.

Pagtitiyak nito na kapag natapos na ang mga malalaking transportation project ay makakabangon na ang mga tourist destination na pinadapa ng COVID-19 pandemic.