Pinayagan na ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga collegiate varsity teams ng go-signal na muling makabalik sa in-person training.
Nilagdaan na kasi ni CHED chairman Prospero De Vera, Health Secretary Francisco Duque III at mga opisyal ng UAAP at NCAA ang memorandum para sa resumption ng training ng mga collegiate teams.
Target din kasi ng UAAP at NCAA na masimula ang kanilang seasons sa darating na Marso 2022 kasunod ng isang taon na walang in-person competitions.
Pero tanging ang mga fully vaccinated nang student-athletes ang papayagan na makibahagi sa in-person training, ayon kay De Vera.
Dapat ding mahigpit na masunod ang mga health protocols sa tuwing mayroong training sessions ang mga collegiate varsities kapareho ng ipinatutupad sa limited in-person classes.