Kinuwestyon na rin ni Cavite City Gov. Jonvic Remulla ang mistulang red-tagging na ginagawa ng militar sa mga kababaihan na ipinapahayag lamang ang kanilang mga saloobin hinggil sa mga isyu na hinaharap ng Pilipinas.
Dapat aniyang mahiya si Armed Forces of the Philippines’ Southern Luzon Command chief Lieutenant General Antonio Parlade Jr. sa kaniyang ginagawa.
Ayon kay Remulla, hindi raw porque hinihikayat ng mga babae sa henerasyong ito ang feminist culture ay ibig sabihin nito ay ka-alyado sila ng mga makakaliwang grupo.
Kahit daw kasi si Manila Mayor Isko Moreno na tinanggal ang mga anti-red tarpaulins sa lungsod ay tinawag ding “sympathizer.”
Wala aniyang maayos na basehan ang train of thoughts at reasoning ni Parlade hinggil sa naturang paksa.
Tiniyak naman ni Remulla na pangungunahan nito ang pagtatangga sa mga anti-red posters na ilakakabit saan mang sulok ng Cavite.
Hindi rin umano nito iisipin kahit pa tawagin siyang komunista bagkus ay susundin nito ang kaniyang sinumpaang tungkulin na depensahan ang naturang probinsya.