-- Advertisements --

Nadiskaril sa riles ang isang freight train dahil sa naganap na pagsabog sa Russian border ng Bryansk.

Ayon kay Local governor Alexander Bogomaz na may bigla na lamang sumabog sa bahagi ng Bryansk-Unecha line.

Ang insidente ay nangyari sa may 60 kilometers sa Ukraine.

Dahil sa insidente ay nasunog ang ilang bahagi ng train.

May sakay na langis at mga troso ang nasabing train na wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang nangyaring insidente.