-- Advertisements --

Nagpapatuloy na tinutugis ng mga kapulisan ng lungsod ng Maynila ang kasabwat ng dalawang suspek na nagholdap sa isang babaeng rider sa kahabaan ng Tondo.

Ayon kay Manila Police District Spokesperson Police Major Philipp Ines, na mayroon na silang ikinasang operasyon para agad na maaresto ang nasabing suspek.

Nakahanda na rin ang kaso laban sa mga naarestong mga suspek.

Tiniyak naman nito na kanilang binabantayan ang lugar kung saan laganap ang mga panghoholdap sa tuwing dis-oras ng gabi.