TACLOBAN CITY – Patay ang isang traffic enforcer matapos itong pagbabarilin sa Catbalogan City sa Samar.

Ayon kay Pol. Maj. Dexter Astaca-an, tagapagsalita ng Samar Police Provincial Office (SPPO), kinilala ang biktima na si Mario Ilao Ucay, 45 anyos, may asawa at isang traffic enforcer ng naturang lugar.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng naturang pamamaril.

Patuloy naman sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa kung ano ang motibo ng naturang insidente.