Bumida ang All-Star guard ng Atlanta Hawks na si Trae Young para masilat ng isang puntos ang top team sa Eastern Conference na Miami Heat, 111-110.
Dahil dito nakabangon ang Atlanta sa Game 3 sa first round series sa NBA playoffs.
Naipasok kasi ni Young ang game winning basket may 4.4 seconds ang nalalabi para ilagay ang 2-1 record sa best of seven series nila.
Ang Game 4 ay muling gagawin sa teritoryo ng Hawks upang tangkaing itabla ang serye.
Malaking dagok naman sa Miami ang pagkawala ng veteran guard na si Kyle Lowry na hindi na natapos ang laro sa third quarter bunsod ng injury.
Aalamin pa ng koponan ang kalagayan ni Lowry kung makakalaro ito sa next game.
Bago naman ang laro sa homecourt ng Hawks ay na-delay pa ang game ng mahigit sa kalahating oras bunsod ng kahina-hinalang package na narekober sa arena.
Maging ang ilang fans ay hindi muna pinayagang makapasok at isinara ang ilang gates habang nasasagawa ng pagrekisa ang mga otoridad kasama ang mga K9 dogs.