Nagsagawa na ang pamunuan ang Metro Rail Transit-Line 3 (MRT3) ng soft launch ng kanilang contact tracing app na tinawag na “MRT-3 Trace.” dahil pa rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, kailangan na ng mga pasaherong mag-register sa trace.dotrmrt3.gov.ph.
Dapat din ay magkaroon ang mga pasahero ng mobile data at web browser para ma-access at magamit ang naturang application.
Pagdating ng MRT-3 station, kailagang i-scan ng pasahero ang QR code na nakalagay sa mga designated areas at dito na nila ipi-fill out ang contact tracing form online.
Kabilang sa mga kailangang ilagay sa tracing app ang sintomas ng covid kug mayroon man, body temperature at contact details.
Ang naturang app ay magsisiling paraan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Gayunman, pinaalalahanan pa rin ng pamunuan ng MRT-3 ang mga pasaherong panatilihin ang physical distancing, pasuot ng face mask at face shield at iwasang makipag-usap o sagutin ang kanilang mga cellphones.
Ang contact tracing app ay suportado raw ni Transportation Secretary Arthur Tugade dahil na rin sa pagnanais nitong magkaroon ng digitize transactions ngayong panahon ng pandemic.