Hindi muna makaka-pamalengke ang mga suki ng Trabajo Market sa Maynila dahil pansamantala itong isinara dahil sa isang tindera na nag-positibo sa COVID-19.

Kinumpirma ng Brgy. 456 na isang tindera ng baboy ang nag-test positive, kaya inaalaam na nila ngayon kung nahawa na rin ang kanyang kaanak.

Naglagay ng harang ang barangay sa mga kalsada papunta sa palengke.

Mahigpit naman ang kanilang panuntunan na hindi maaaring pumasok sa area ang mga walang face mask, ID at quarantine pass.

Wala pang schedule kung kailan muli bubuksan sa publiko ang palengke.