-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Kagawaran ng Turismo na umabot sa mahigit isang milyong trabaho ang nalikha sa sektor ng turismo noong nakaraang taon.
Sinabi ni Secretary Christina Frasco na resulta ito sa pagbubukas ng bansa sa ekonomiya noong nakaraang taon.
Bunga rin aniya ito sa pagsusumikap ng gobyerno para isulong ang lokal na turismo at ipakilala ito sa mga dayuhan.
Magugunitang iniulat ng Philippine Statistics Authority o PSA, nasa 5.35 million ang naitalang tourism employment noong isang taon.
Mas mataas ito ng 450,000 o 9.3 percent na pagtaas kumpara noong 2021.