-- Advertisements --
image 314

Malapit nang maabot ng Boracay ang 1.8 milyong target na tourist arrivals, matapos nitong maitala ang mahigit 1.7 million na bumisitang turista.

Batay sa datus ng Kagawaran ng Turismo, naitala na nito ang 1.7 million na turista na bumisita sa naturang lugar mula Enero hanggang sa Oktobre-15, 2023.

Mula sa naturang bilang, mahigit 1.3 million ay pawang mga domestic tourist.

Karamihan sa mga ito ay nagmula sa National Capital Region, CALABARZON, at Western Visayas.

Ang mahigit 300,000 na nalalabi ay binubuo ng ibat ibang mga lahi ngunit karamihan sa kanila ay mga South Korean at Chinese.

Bago matapos ang taon, inaasahan naman ng kagawaran na maabot ang target nitong 1.8 million na bilang ng mga turista sa Boracay.

Ang Boracay ay isa sa pinakakilalang tourist destination sa Pilipinas na matatagpuan sa probinsya ng Aklan, sa Western Visayas.