-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Tourism na nalagpasan na nila ang target ngayong taon para sa interational tourist arrivals.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, na mayroong 4,822,530 milyon ang bisita na naitala mula pa noong Nobyembre 27.

Mas mataas ito ng 4.8 milyon na target para sa 2023 kung saan 91.9 percent dito ay mga foreign tourist at 8.1 percent naman ay mga returning overseas Filipinos.

Nanguna naman ang South Korea na may foreign arrivals na binubuo ng mahigit 1.2 milyon o katumbas ng 26.37 percent.

Sumunod naman ang US habang pangatlo ang China at Australia ang pang-apat sa mga foreign nationals na dumating sa bansa.

Isa sa naging dahilan pagtaas ng bilang ng foreign arrivals ay dahil sa pinaluwag ang visa policies at insiyatibo ng gobyerno para makahikayat ng turista na bumisita sa bansa.