-- Advertisements --

Humingi na ng paumanhin si Tourism Undersecretary for legal and special concerns Mae Elaine Bathan dahil sa negatibong impresyon sa kaniyang online post nito.

Umani kasi sa online ang ipinakalat na screenshot ng kaniyang social media post kugn saan kinailangan niya umanong tumigil sa pakikipagpulong para lamang tulungan ang personal na pangangailangan ng malapit na kaibigan habang namamasyal sa Japan.

Tinukoy nitong kaibigan ay si Mandaue City Treasurere Regal Olivia na humingi ng tulong kay Bathan dahil hindi niya alam ang gagawin na makipag-usap para makakain ng mga Japanese food.

Dito ay kinailangan niyang huminto muna sa pakikipagpulong sa privatization at airport takeover para tugunan ang personal na hiling ng kaibigan.

Sa paghingi ng paumanhin ni Bathan, sinabi niya na dapat ay maging maingat na lamang ito at hindi naman niya sinadya na piliin ang personal na pangangailangan kumpara sa trabaho bilang opisyal ng gobyerno.