Hindi pa rin papayagan ng Spain na dumaong sa kanilang mga pantalan ang mga cruise ships mula ibang bansa upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease, batay sa inilabas na ministerial order ng bansa.
Kalimitang tumitigil ang mga cruise liners na may sakay na libo-libong pasahero sa mga pantalan ng Balearic Islands, Canaric Islands, Barcelona at Malaga subalit ipinagbawal ito noong Marso 14 nang isailalm sa lockdown ang naturang bansa.
Tinatayang magpapatuloy ang ban sa cruise ship ng Espanya hangga’t hindi pa nahahanap ang solusyon laban sa COVID-19. Ito ay sa kabila ng unti-unting pagtanggap ng bansa sa mga turista bilang hakbang para buhayin muli ang kanilang ekonomiya.
Umaabot ng 12% ng gross domestic product ng Spain ang dala ng mga cruise ships. Pumalo naman ng 10 milyong cruise line passengers ang nakapasok sa nasabing bansa noong 2019.
















