Nakipag-alyansa na ang mga opisyal ng tourism sector sa Pilipinas sa mga counterpart nila sa ibang mga bansa para mapunan ang malaking epekto ng coronavirus (COVID-19) sa kanilang industriya.

Matatandaang papalo na sa halos P50 billion ang kalugihan dahil sa mga travel ban na pinairal sa Mainland China, Hong Kong, Macau at South Korea.

Ayon kay Philippine Travel Agencies Association (PTAA) president Ritchie TuaƱo sa panayam ng Bombo Radyo, nagdaraos sila ng pakikipagpulong sa Asian countries para sa mapaigting ang regional tourism campaign.

Ang mga ruta namang apektado ng virus ay dina-divert nila sa mga bansang walang kaso ng COVID.

Aminado naman ang PTAA official na hindi sapat ang domestic tourism para mapunan ang nawawalang kita ng bansa mula sa international tourism.