LEGAZPI CITY – Inaabangan na ng maraming Pinoy ang total lunar eclipse na magaganap bukas, Mayo 26.
Sa panayam ng Bombo Radyo legazpi kay Mario Reymondo ng Astronomical Observation Time Services Unit ng PAGASA ( Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), mangyayari ang eclipse dahil sa paglapit ng buwan sa mundo sa distansyang 357,000 kilometro.
Nagkataong sasabay din ito sa blood moon o pamumula ng buwan.
Masisilayan ang super blood moon eksakto alas-7:11 hanggang alas-7:25 ng gabi, habang mawawala ang pamumula nito pagsapit ng alas-8:52.
Ayon kay Reymondo, hindi dapat palampasin ng mga Filipino ang phenomenon dahil miminsan lamang itong mangyari.
Sa mga wala namang balak o bawal na lumabas, maaaring manood ng super lunar eclipse sa coverage ng PAGASA sa kanilang social media accounts.