-- Advertisements --

VIGAN CITY – Isasailalim na sa total lockdown ni Prime Minister Benjamin Netanyahu ang buong Israel simula bukas alas-4:00 ng umaga.

Ayon kay Rosalie Tica, caregiver sa Isarael, tatagal ang lockdown ng hanggang alas-7:00 ng gabi sa darating na Biyernes dahil pa rin sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID 19 sa bansa. 

Sinabi ni Tica na mumultahan ang mga lalabag sa mga kautusan.

Samantala, dismayado naman ang karamihan sa mga Israeli dahil sa hindi itutuloy ngayon ang Pesach na isa sa mga biggest festival ng bansa dahil hindi na umano makapagkakasama ang mga pamilya dahil sa COVID19. 

Maliban diyan, magbibigay din ng tulong ang gobyerno ng nasabing bansa sa mga maaapektuhan ng total lockdown partikular na sa mga senior citizen sa halagang 500 shekel o katumbas ng halos anim na libong piso.