Isasagawa ang Oktubre 18 ang torch lightning ceremony ng Beijing 2022 Winter Olympics.

Ayon sa organizers na walang mga audience ang papayagan na manoond dahil pa rin sa COVID-19 pandemic.

Aalis ang nasabing flame patungong China isang araw pagkatapos ng torch ligthning.

Kung sa tradisyonal ay mayroong torch relay, ngayong taon ay kanila na itong tinanggal.

Napagdesisyunan kasi sa pulong ng mga otoridad mula sa Greece at Olympic Committees ganun din ang Chinese Games organizers na gawin ang nasabing torneo ng walang mga audience.

-- Advertisement --

Gaganapin ang nasabing torneo mula Pebrero 4-20.