-- Advertisements --

Napiling bagong head coach ng Philippine women’s national football team si Mark Torcaso.

Ayon sa Philippine Football Federation , na papalitan niya si Alen Stajicic.

Ang 42-anyos na si Torcaso ay nanguna sa Western United sa finals ng A-League sa knailang inaugural season.

Siya ang kasalukyang A-League Women’s Coach of the Year.

Magugunitang hindi na nagrenew ng kaniyang kontrata si Stajicic matapos ang panalo ng Filipinas kontra sa New Zealand noong FIFA Women’s World Cup.

Ayon naman kay PFF President Mariano “Nonong” Araneta na sa pagkapili nila ng bagong coach ay naniniwala itong magiging matagumpay ang kampanya ng womens’ football team.

Labis naman ang pasasalamat ni Torcaso sa pagkapili sa kaniya bilang coach ng Filipinas.