Ronnie Tariga UC
Ronnie Tariga II of University of Cebu

CEBU CITY – Binigyan ng isang brand new car at cash ng University of Cebu (UC) ang dalawa sa kanilang graduate na nag-No. 1 at nag-number 10 sa Civil Engineering Licensure Examination.

Sa pamamagitan ni UC President Augustus Go, iniabot nito sa topnotcher na si Ronnie Tariga II ang susi ng brand new car.

Habang P100,000 naman na cheque ang ibinigay sa number 10 na si Joebert Dela Cruz.

Ayon kay Tariga hindi pa rin siya makapaniwala sa achievement na kanyang nakamit.

Inialay umano niya ito sa kanyang pamilya.