Tinapos na ng Philadelphia Sixers ang kanilang serye sa Game 6 matapos na tambakan kanina sa score na 132-91 ang Toronto Raptors sa first round ng playoffs.
Dahil dito uusad na sa NBA semifinals ang Sixers na hawak ang 4-2 record.
Naging balanse sa opensa ang Sixers sa pangunguna ng MVP candidate na si Joel Embiid na nagpakawala ng 33 points at 10 rebounds, habang si James Harden ay tumulong sa kanyang 22 points.
Haharapin ng Sixers ang nag-aantay na top team sa Eastern Conference sa Game 1 sa second round sa darating na Martes.
Samantala sa ibang game sa Western Conference, tuluyan na ring naidispatsa ng Phoenix Suns ang New Orleans Pelicans sa Game 6 sa score na 115-109.
Nagmistulang historic ang performance ng veteran guard na si Chris Paul na walang paltos sa kanyang mga tira para walisin sa serye, 4-2, ang karibal na Raptors.
Kumamada rin si Paul ng 33 points sa perfect shooting, habang nagbalik na rin si Devin Booker mula sa injury na nag-ambag ng 13 points.
Haharapin ng Phoenix sa semifinals ang magwawagi sa pagitan ng Dallas at Utah.