-- Advertisements --

Pinahiya nang nangungulelat na Minnesota Timberwolves ang top team na Utah Jazz, 105-104.

Bumida sa Wolves si D’Angelo Russel na tumipon ng 27 points at 12 assists para sa kanilang ika-17 pa lamang na panalo ngayong season.

Nagdagdag naman si Karl-Anthony Towns ng 21 points at 11 rebounds.

Ito na ang ikatlong beses na tinalo ng Wolves ang Jazz.

Sa panig ng Jazz (44-16), nabaliwala ang ginawa nina Mike Conley na may 26 points at si Rudy Gobert na nagtapos sa 18 points.

Nasa ika-limang beses na ngayon na sunod-sunod na hindi pa rin nakakabalik sa Jazz ang kanilang leading scorer na si Donovan Mitchell.

Tatlo sa mga game na ito ay tumikim ng talo ang Jazz.