-- Advertisements --

TEL AVIV, Israel – Iniulat ng Israeli military na napatay ng kanilang puwersa ang top military commander ng Iran na si Ali Shadmani.

Nangyari umano ito matapos ang ikinasang overnight air strike ngayong Martes, Hunyo 17.

Si Shadmani, na napatay sa military command center sa Tehran, ay itinuturing na pinakamalapit na tauhan ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.

Sinabi pa ng Israeli military na si Shadmani ang nagmamando ng Islamic Revolutionary Guard Corps at Iranian armed forces.

Matatandaang noong Huwebes ng umigting ang palitan ng pag-atake ng Israel sa Iran, bagay na tinutugunan naman ng Tehran ng malalakas na ganti.

Nabatid na maliban sa military facilities, kapwa nakapagtala na ang dalawang bansa ng mga nadadamay na civilian.