-- Advertisements --

CAUAYAN CITY-Pinangunahan ng mga top management officers ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) ang vaccination rollout sa nasabing pagamutan.

Bago ang pagbabakuna ay nagkaroon ng maiksing programa at sumunod naman ang press conference kung saan natalakay ang paghahanda ng nasabing pagamutan.

Ayon kay Dr. Jose Ildefonso Costales Jr., Medical Center Chief ng SIMC, maigting ang kanilang naging paghahanda at maayos namang naisagawa ang assessment na nagresulta ng mataas na affirmation o acceptance rate sa mga kawani ng pagamutan.

Naging excempted naman dito ang mga kababaihang buntis at kakapanganak lamang.

Maayos namang nakalatag ang lugar kung saan mamamalagi ang mga personnel na nabakunahan at inoobserbahan ng 30 minuto.

Kung magpamalas ng adverse effect ay nakahanda rin ang inilaan nilang ward.

Bago ang tuluyang pagbabakuna ay unang isinagawa ang counselling proper sa unang labinlimang Healthcare Workers at tinalakay ang adbokasiya ng vaccination rollout, magandang benepisyo nito, mga inaasahang mangyayari at patuloy na pangungumbinsi para magpabakuna.

Bukod dito ay nag-fil- up din sila ng concent form.

Pinangunahan mismo ng Professional and Education Training and Research Officer ng SIMC na si Dr. Emmanuel Salamanca ang pagpapabakuna na sinundan ng iba pang top management officers sa Lunsod kabilang sina Dr. Floren Mallabo, Dr. Ramon Hilumen, Program Coordinator ng Covid-19 at Dr. Butch Garcia, ang Chief Medical Professional.

Ngayong araw ay natapos nabakunahan ang 270 personnel ng SIMC.