-- Advertisements --

Tinanggihan ni University of Connecticut basketball coach Dan Hurley ang alok ng Los Angeles Lakers na coaching job.

Batay sa report sa NBA, tinanggihan umano ni Hurley ang $70 milyon na offer ng Lakers management.

Sa isang statement na inilabas ni Hurley, sinabi niyang natutuwa siya sa naging offer ng Lakers ngunit nagdesisyon umano siyang mananatili sa college basketball.

Aniya, ipinagmamalaki niya ang kasalukuyan niyang college team at naghahanda na silang simulan ang pagpapalakas matapos nilang maibulsa kamakailan ang korona sa US college championship.

Si Hurley ang kasalukuyang head coach ng Huskies at hawag ang record na 141 – 58 sa loob ng kanyang anim na season sa Connecticut.

Sa loob ng kanyang karera bilang coach ng college basketball, hawak niya ang record na 292 – 163 win/loss record.

Noong nakalipas na taon ay pumirma siya sa $32.1 million na kontratra kasama ang Huskies.

Samantala, nananatili namang walang head coach ang Lakers kasunod ng pagtanggal kay Darvin Ham noong nakalipas na linggo.