-- Advertisements --

Kinumpirma ng transition team ni United States President-elect Joe Biden na nagpositibo sa coronavirus disease si incoming White House senior advisor Congressman Cedric Richmond.

Nakuha umano ni Richmond ang deadly virus matapos ang isinagawa nitong open-air interaction kasama si Biden.

Mag-isa rin itong nagtungo sa estado ng Georgia para mangampanya kasama si Biden para sa dalawang Democrats na tumakbo sa halalan laban sa incumbent Republican senators.

Ayon kay transition spokeswoman Kate Bedingfield, siniguro ng mga dumalo sa naturang campaign rally na lahat ng tao ay naka-mask at halos 15 minuto lamang ang itinagal nito.

Nilinaw naman nito na hindi naging close contact ni Richmond si Biden o kahit nina Democratic candidate Jon Ossoff at Raphael Warnock.

Siniguro naman ng kampo ni Biden na negatibo ang president-elect mula sa deadly virus.

Noong Miyerkules ay nakaranas ng sintomas si Richmond, 47-anyos, at kaagad sumailalim sa rapid test kung saan nakumpirma na positibo ito mula sa COVID-19.