Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO- Nadakip ang isa katao na matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Ramil Manial Budsal 23 anyos at residente ng Purok 10 Brgy Poblacion B Mlang North Cotabato

Bit-bit ng Mlang PNP ang Warrant of Arrest na may criminal case number 19-128, dinakip ang suspek sa isang Bilyaran sa Poblacion B Mlang North cotabato.

Ayun pa sa Mlang Pnp nasa pang 5 Most wanted si Budsal sa Bayan nang Mlang dahil sa kasong paglabag sa section 11 ng RA. 9165.

Ang ang suspek ay nakapiit na ngayon sa Costudial Facility ng Mlang PNP.