Irerepaso ng Department of Education ang kasalukuyang recognition system sa mga estudyante sa mga paaralan sa Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng plano ng naturang kagawaran na alisin na ang valedictorian, salutatorian, at iba pang mga “hierarchical” awards sa mga mag-aaral sa bansa.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Cesar Bringas, ang naturang mga plano ay bahagi ng revision ng ahensya sa K to 12 Curriculum para sa School Year 2024-2025.
Aniya, kabilang din sa naturang bagong curriculum ang mga revision o modification sa classroom assessment policies na posible ring mauwe sa pagrerebisa sa grading system , awards, and recognition.
Paliwanag ng opisyal, kinakailangan kasing nakaayon ang assessment ng DepEd sa curriculum nito dahilan kung bakit kailangan ng revision kung paano maia-assess ang competencies ng mga estudyante sa ilalim ng bagong curriculum.
Samantala, bukod dito ay sinabi rin niya na mula pa noong 2016 ay hindi na ipinagpatuloy pa ng DepEd ang lumang sistema nito sa “hierarchical” awards sa ilalim ng pamamahala noon ni dating Education Secretary Armin Luistro.