Reading Time: 1 minute

Aminado si Tom Rodriguez na nakakaramdam sila ng pressure ng girlfriend at kapwa celebrity na si Carla Abellana, mula sa publiko.

Ito’y kasabay ng pagkumpirma ni Tom na ikakasal na sila ng 33-year-old actress pero tumangging magbigay ng mga detalye.

“That’s in the cards na ‘yan, malapit na! Ayoko kasing sabihin ang date sa inyo. Siyempre, nakaka-pressure din sa aming dalawa, pero kaming dalawa, alam na namin,” saad ng 31-year-old actor sa pep.

Kung maaalala, bago kay Rodriguez ay galing si Abellana sa four year relationship kay Geoff Eigenmann na nauwi sa hiwalayan noong 2014.

Nagkakilala naman si Carla at Tom na gumanap bilang “gay husband” nito sa serye noong 2013 na “My Husband’s Lover.”

Sa kabilang dako, sina Geoff naman ay engaged na rin sa dating singer na si Maya.

Sa ngayon ay two years old na ang panganay nila na si Arabella, habang baby girl ule ang ipinagbubuntis ni Maya.