Walang balak si Sir Tom Jones na tumigil sa musika sa kabila ng nadagdagan na naman ang edad nito.
Pahayag ito ng Welsh music legend kasabay ng kanyang 80th birthday kung saan inihayag nito na hangga’t masigla pa ang talentong binigay sa kanya ng Diyos ay patuloy siyang aawit.
Ibinunyag din nito na 12-anyos siya noon nang mapagtanto na agad ang kahalagahan ng kalusugan matapos makaranas ng self isolation sa loob ng dalawang taon dahil sa tuberculosis (TB) at hindi akalain na mauulit ito sa kasalukuyang henerasyon.
“I sympathise with young people that can’t go and play,” ani Jones. “With this lockdown now, I’m thinking ‘my God, how are those kids coping?’ because I remember it.”
Nabatid na si Jones ang boses sa likod ng mga awiting “Delilah,” “It’s Not Unusual,” “Sex Bomb” at marami pa. (BBC)