Pinuna ni Tom Cruise ang movie crew ng kaniyang pelikulang “Mission: Impossible 7” dahil sa paglabag sa social distancing.

tomo cruise M7

Sa kumalat na audio clips ng actor, hindi mapigilan ng actor na magalit at magmura.

Maririnig pa ang pagbanta nito na kaniyang tatanggalin ang sinumang umulit sa nasabing paglabag.

Naganap ang insidente habang kinukuhanan ang ilang eksena ng pelikula sa studio sa Leavesden, Hertfordshire sa labas ng London.

Noong Oktubre kasi ay mayroong 12 crew members ng pelikula ang nagpositibo ng COVID-19 habang sila ay nasasagawa ng shooting sa Italy.

Magugunita na naantala pa ng ilang buwan ang shooting ng pelikula dahil sa COVID-19 pandemic.